BAGONG SUPER SARAP NA NEUBAKE SPANISH BREAD!


“ITO ay Spanish pero Pinoy na Pinoy!”

 

Masasabing kinalakihan na ng maraming Pilipino ang meryenda tuwing umaga at hapon. At kapag usapang meryenda na, patok sa panlasang Pinoy ang tinapay na may filling na tamang timpla ng mantikilya at asukal at may bonus pang bread crumbs na kasama – ang Spanish bread.

 

Tunog dayuhan man sa pangalan, ang tinapay na ito ay tunay na Pinoy na Pinoy. Kahit saang panaderya ka pumunta, hindi mawawala sa display ang Spanish Bread na madalas kainin habang may ka-partner na malamig na inumin tulad ng juice o soft drinks.

 

Good news dahil nandito na ang pinakabagong klase ng Spanish Bread na hatid sa inyo ng NeuBake. Kaya kung Spanish Bread ang pag-uusapan, dapat NeuBake Spanish Bread na ‘yan!

 

Super Lambot

Ang NeuBake Spanish Bread ay may malambot at milky na tinapay kaya naman malinamnam ang bawat kagat. Dahil gawa ito ng Gardenia Bakeries, siguradong may kalidad ang bawat sangkap na ginamit kaya super lambot talaga!

 

Super Sarap

Hindi lang mantikilya at asukal ang filling ng NeuBake Spanish Bread. Meron itong buttery-sweet custard na filling at bread crumbs sa ibabaw kaya kuhang-kuha ang tamang tamis at sarap ng paborito mong Spanish Bread. Pwedeng pang-araw araw na meryenda dahil super sarap talaga!

 

Super Busog

Dahil apat na piraso sa isang pack ang NeuBake Spanish Bread, perfect itong pang-meryenda sa opisina, sa eskwela, at kahit habang naiinip sa mahabang trapik sa kalsada.

 

Super Sulit

Ito ang super sarap na meryenda na hindi nakakabutas ng bulsa! Ang NeuBake Spanish Bread, malambot at masarap na, affordable pa! Super sulit talaga dahil sa halagang Php22, meron ka ng super sarap at super nakakabusog na meryenda!

 

Kaya para sa Spanish Bread na siguradong hahanap-hanapin mo, mag NeuBake Spanish Bread na! Spanish man sa pangalan pero Pinoy na Pinoy sa lasa at halaga. Super lambot na, super sarap pa kaya super busog ka sa presyong super sulit!

 

Maaring bumili ng bagong NeuBake Spanish Bread sa pinakamalapit na supermarket, grocery store, o suking tindahan. Para sa regular na updates tungkol sa NeuBake, i-like lamang ang NeuBake page sa Facebook (@NeuBakeph).